Simula sa July 10 papayagan na ang limitadong religious activities sa mga lugar na nakasailalim sa general community quarantine.
Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, inaprubahan na ng Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pagkakaroon ng religious activities sa GCQ areas pero dapat 10 percent lamang ng kapasidad ng pasilidad ang papayagan na dumalo.
“Para naman po sa mga gusto nang magsimba, pinayagan din po ang religious gatherings pero hanggang 10 percent lang po at ito po ay epektibo sa July 10, 2020 sa areas na GCQ,” ani Roque.
Para naman sa mga lugar na nasa under modified GCQ na lamang, ang mga simbahan at at iba pang religious venues ay pwedeng tumanggap ng hanggang sa 50 percent ng kanilang total capacity.