Sa ulat, hapon ng Huwebes, Hulyo 2, nang dumating si Gemma Alquizalas, 25, sa Police Sub-Station 7 sa Barangay Guadalupe at nagtanong sa proseso para maayos ang kaso nina Tang Hong at Hu Shuangling, 33.
Sa pakikipag-usap ni Alquizalas sa mga pulis ay ipinakita niya ang isang supot na naglalaman ng bundle ng P1,000 at inalok ang pera para hindi na kasuhan ang dalawang Chinese citizens.
Ngunit sa halip na pagbigyan, inaresto na rin si Alquizalas at nahaharap siya ngayon sa kasong corruption of public officials.
Inaresto sina Tang at Hu dahil sa pagkulong sa isang Leon Ho Kah Fai sa isang kuwarto ng My Town Inn sa Barangay Guadalupe Nuevo mula noong June 29 at hinihingian nila ito ng 560,000 Chinese yuan na may katumbas na P3.9 million.