Reaksyon ito ni senatorial candidate, at dating MMDA Chairman Francis Tolentino sa survey na nagsasabing apat sa sampung Pilipino ang naniniwalang magkakaroon ng dayaan sa nalalapit na halalan.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Tolentino na nakakalungkot ang ganitong ulat lalo’t nalalapit ang pag-gunita sa ikatlumpung taon ng ‘Edsa People Power Revolution’ na nagbalik ng demokrasya sa bansa.
Ayon kay Tolentino, masasayang ang lahat ng pagsisikap na magkaroon ng maayos na sistema ng demokrasya sa loob ng mahabang dekada.
Samantala, malaki ang pasalamat ni Tolentino na pinili niyang tumakbo bilang independent candidate.
Aniya, mas naging bentahe ito sa kanya dahil mas nabibigyan siya ng pagkakataon na maipaliwanag ng mabuti ang kanyang mga plataporma.
Sinabi ng dating MMDA Chairman na kung sasama siya sa sortie ng mga presidential candidates, magiging limitado ang pagkakataon niya ipaliwanag ang pagnanais na maluklok bilang senador.
Dagdag pa niya na malaya din ang pag-iikot niya sa ibat ibang lugar dahil naniniwala siya na ang eleksyon ay hindi naman para sa isang partido kundi para sa partido ng taumbayan.