3 Chinese Nationals at 2 Pinoy arestado sa buy bust operation sa Maynila

drugs manila isa jun 4
Kuha ni Jun Corona

Tatlong Chinese Nationals at dalawang Pilipino ang arestado sa isang drug buy bust operation ng Quezon City Police o QCPD, District Anti Illegal Drugs-Special Operation Task Group (DAID-SOTG) at Special Operations Unit (SOU) sa lungsod ng Maynila.

Naganap ang operasyon 6:30 ng umaga sa bahago ng Harbor View Parking Lot, malapit sa Quirino Grandstand.

Ang mga arestado ay sina:

Kuha ni Jun Corona

1. Dixon Kee Yu, 35 yrs old
2. Qian Li @ Joey Li, 39 yrs old
3. Husni Balenti y Cana, 30 yrs old
4. Simon Tan y Tuazon, 53 yrs old
5. Amir Cana y Disomangcop, 27 yrs old

Kabilang sa mga ebidensyang nakumpiska mula sa mga suspek ay limang kilo ng shabu, na sinasabing nagkakahalaga ng 15 million pesos.

Kuha ni Jun Corona

Ang mga sasakyan na ginamit ng mga naaresto ay isang Toyota Fortuner na puti na may plakang YU 3663, at isang Montero Sports na asul na may plakang AQA 3092.

Ang drug buy bust operation ay pinangunahan ni Chief Inspector Enrico Figueroa.

Dumating din sa area si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mel Senen Sarmiento.

Nang iprisenta naman sa media ang mga suspek, pawang nakayuko at nagtakip ng mga mukha ang mga arestado na mistulang hiyang hiya.

 

Read more...