Sa kaniyang tweet, tinanong ni dating Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal, kung “May piggery ba sa Subic?”.
Dagdag pa ni Larrazabal, “baka nag-swimming lang mga swine” sa Subic.
Isang netizen ang nag-reply kay Larrazabal at sinabing siya ay “naughty boy”.
Tugon naman ng dating Comelec official, nagtatanong lang siya dahil hindi niya talaga maintindihan kung paano iyon nangyari.
Umani ng batikos sa social media ang pagbisita sa Ocean Adventure ni Roque na ayon sa kaniya ay side trip lamang ng kaniyang pag-uwi sa probinsya bilang isang APOR.