Global death toll sa COVID-19 mahigit 523,000 na

Sumampa na sa mahigit 523,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa magdamag, ay nakapagtala ng mahigit 5,000 pang panibagong nasawi.

Sa huling datos, ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo ay 523,234 na.

Pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 131,480.

Narito naman ang iba pang mga bansa na nakapagtala ng mataas na bilang ng nasawi:

Brazil – 61,990
UK – 43,995
Italy – 34,818
France – 29,875
Mexico – 28,510
Spain – 28,368
India – 18,225
Iran – 11,106

Sumampa naman na sa mahigit 6.1 million ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa 4.3 million pa ang aktibong kaso.

 

 

 

Read more...