150 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Cebu City

Umabot na sa mahigit 5,700 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa Cebu City.

Kahapon nakapagtala pa ng 150 na dagdag na bagong kaso sa lungsod.

Dahil dito sumampa na sa 5,740 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Cebu City.

Sa nasabing bilang, 2,985 ang mga gumaling na. Ito ay makaraang makapagtala ng 88 na bagong recoveries.

Habang 2,562 pa ang aktibong kaso.

Nakapagtala naman ng 13 pang panibagong nasawi kaya umakyat na sa 193 ang bilang ng mga nasawi sa lungsod.

 

 

Read more...