Mahigit 200,000 na bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo naitala sa magdamag

Umakyat na sa mahigit 10.9 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa pinakahuling datos, mahigit 10,969,000 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 203,000 na bagong kaso sa magdamag.

Nananatiling ang Estados Unidos ang may pinakamaraming bilang ng kaso na mahigit 2,832,897.

Sa magdamag ay mahigit 52,000 ang naitalang bagong kaso sa US.

Narito naman ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:

Brazil – 1,501,353
Russia – 661,165
India – 627,168
Spain – 297,183
Peru – 292,004
Chile – 284,541
UK – 283,757
Italy – 240,961
Iran – 232,863

 

 

Read more...