Water level ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag
Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 188.37 meters alas-6:00 umaga ng Biyernes (July 3) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 188.45 meters.
Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.87 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 100.96 habang bahagya namang nadagdagan ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 76.06 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 76.03 meters.
Samantala, nabawasan naman ang water level ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Binga dam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.