160 minero patay sa gumuhong minahan sa Myanmar

Patay ang mahigit 160 minero matapos ang pagguho sa isang minahan sa northern Myanmar.

Gumuho ang minahan ng jade sa Jachin state na malapit lamang sa border ng China habang nagtatrabaho dito ang mga minero.

Nakaranas muna ng malakas na pag-ulan sa lugar bago naganap ang pagguho.

Marami ang natabunan ng mudslide at ang iba ay inanod ng tubig ayon sa Myanmar Fire Services Department.

Maliban sa 162 na nasawi, mayroon pang 54 na na nasugatan at dinala sa ospital.

 

 

Read more...