Bilang ng COVID-19 active cases sa Laguna nasa 303 na

Nadagdagan pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Laguna PDRRMO at PHO (Huwebes, July 2, 3PM), nakapagtala ng 17 na bagong kaso kaya umabot na sa 303 ang bilang ng active cases sa lalawigan.

Narito ang mga lugar na mayroong COVID-19 active cases:

San Pedro (Larger Community) – 35
San Pedro (BJMP) – 51
San Pedro (PNP) – 1
Biñan (Larger Community) – 88
Biñan (PNP Custodial Facility) – 1
Biñan (BJMP) – 1
Santa Rosa – 57
Calamba – 24
Los Baños – 1
Cabuyao – 20
San Pablo – 6
Santa Cruz – 2
Bay – 2
Calauan – 6
Alaminos – 2
Nagcarlan – 2
Majayjay – 1
Cavinti – 1
Paete – 1
Siniloan – 1

Ang bilang ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay 58 na kung saan ito ay nadagdagan ng 4.

Ang bilang naman ng nakarecover na ay umabot na sa 539.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 900.

Samantala, nasa 1,545 naman ang bilang ng suspected cases at 78 ang probable cases.

 

 

 

Read more...