Visayas at Mindanao apektado ng ITCZ

Intertropical Convergence Zone o ITCZ ang umiiral sa Visayas at Mindanao.

Dahil sa ITCZ ang Mindanao, Western at Central Visayas, at MIMAROPA ay makararanas ng maulap na papawirin ngayong araw na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.

Bahagyang maulap na papawirin naman na mayroong isolated na pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa.

Sa susunod na tatlong araw sinabi ng PAGASA na wala namang inaasahang sama ng panahon na papasok o mabubuo sa Philippine Area of Responsibility.

Read more...