Jose Abad Santos, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.8 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 157 kilometers southeast ng bayan ng Jose Abad Santos, alas-3:00 madaling araw ng Biyernes (July 3).

May lalim na 81 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala naman ang instrumental intensity 2 sa Malungon, Sarangani

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

 

 

 

Read more...