Sabtang, Batanes niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Batanes.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 210 kilometers northwest ng bayan ng Sabtang, ala-1:34 madaling araw ng Biyernes (July 3).

May lalim na 1 kilometer at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

Read more...