Kaso ng COVID-19 sa Western Visayas, umabot na sa 353; 21 ang nadagdag

Nagpositibo ang 21 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.

Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang July 2, umakyat na sa 353 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

194 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Nakasailalim ang mga bagong COVID-19 patient sa quarantine facility.

Siyam naman ang bagong gumaling sa Western Visayas.

Karamihan sa mga bagong gumaling ay repatriated overseas Filipino workers at locally stranded individuals.

Dahil dito, umakyat na sa 148 ang total recoveries sa Western Visayas.

Nananatili pa rin sa 11 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.

Read more...