Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Huwebes (July 2, 3:00 PM) nakapagtala ng 44 na bagong kaso kaya pumalo na sa 2,731 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 672
Laguna – 876
Batangas – 325
Rizal – 695
Quezon – 163
Nasa 1,434 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 32 na bagong recoveries.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 255
Laguna – 488
Batangas – 199
Rizal – 362
Quezon – 130
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng tatlo kaya ito ay umabot na sa 206.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 45
Laguna – 45
Batangas – 31
Rizal – 74
Quezon – 11
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay