Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina umabot na sa 368

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO Facebook page (3:00 PM Huwebes, July 2) pumalo na sa 368 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus kung saan lima ang nadagdag.

Sa nasabing bilang, 164 ang active cases.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lungsod ay nanatili sa 31.

Nasa 173 naman ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit kung saan 4 ang bagong nadagdag.

Read more...