Hinimok na
Babala ni Rep. Emmi De Jesus, daang libong estudyante ang posibleng mag drop out o hindi na magpatuloy sa kanilang pag-aaral sa susunod na pasukan kapag hindi nagpalabas ang Supreme Court ng TRO sa K-12.
Paalala ni De Jesus na maging ang Department of Education ay umamin na hindi kaya ng buong education system ang lahat ng papasok na Grade 10 students sa Grade 11 o senior high school slots kahit na maglaan pa ng vouchers sa mga estudyanteng nais mag-aral sa mga DepEd accredited private schools.
Batay sa K-12, dapat sagutin ng DepEd ang bahagi ng gagastusin o hanggang P22,500 na tuition, sa pamamagitan ng vouchers, ng mga estudyante mula sa
public school na mag-eenroll sa accredited private schools.
Nasa 1.6 milyong grade 10 students ang papasok sa Hunyo, pero sa tantsa ni De Jesus ay kalahati nito ang hindi makapagpatuloy dahil na rin sa inaasahang gagastusin sa pag-aaral lalo ang mga mag-eenroll sa private schools.
Giit ni De Jesus, hindi dapat ipagkait ang diploma sa mga mag-aaral na matapos ang 4 na taon at makagraduate.
Isa ang grupong Gabriela sa mga naghain ng petisyon sa SC laban sa K-12 program ng gobyerno.