Ilang lalawigan sa Luzon, uulanin sa susunod na mga oras

Asahang makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 4:57 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Nueva Ecija at Quezon.

Uulanin din ang Capas, Tarlac; Botolan, Zambales; Candaba, San Luis at San Simon sa Pampanga.

Maaapektuhan din ang Bulacan partikular sa Plaridel, Pulilan, Baliuag, Bustos, San Rafael at Pandi.

Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...