Nadagdagan nang halos 300 ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Huwebes ng hapon (July 2), umabot na sa 38,805 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sinabi ng kagawaran na 294 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 kung saan 52 ang “fresh cases” habang 242 ang “late cases.”
Nasa apat pasyente ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,274 na.
Ayon pa sa DOH, 235 ang gumaling pa sa pandemiya sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 10,673 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES