Halos 200 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Singapore

Halos 200 ang bagong naitalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Singapore.

Batay sa anunsiyo, sinabi ng Ministry of Health sa Singapore na nakapagtala ng karagdagang 188 na kaso hanggang 12:00, Huwebes ng tanghali (July 2).

Karamihan anila sa mga bagong kaso ay Work Permit holders na nakatira sa foreign worker dormitories.

“Based on our investigations so far, there are 10 cases in the community, of whom eight are Singaporeans and two are Work Pass Holders,” ayon pa sa Ministry of Health ng naturang bansa.

Maliban dito, mayroon ding imported case na inilagay sa Stay-Home Notice o isolation pagkadating sa Singapore.

Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.

Sa kabuuan, pumalo na sa 44,310 ang confirmed COVID-19 cases sa Singapore.

Read more...