Burgos, Surigao del Norte niyanig ng lindol

Tumama ang magnitude 3.1 na lindol sa Burgos, Surigao del Norte Huwebes ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 71 kilometers Northeast ng Burgos bandang 2:43 ng hapon.

Isang kilometro ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Sinabi ng Phivolcs na hindi naman nagdulot ang lindol ng pinsala sa nasabing bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...