Base sa datos, nasa 34,196 ang negatibo batay sa isinagawang RT-PCR test ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs mula June 12 hanggang July 1.
Ayon sa PCG, kabilang sa datos ang mga OFW at non-OFW.
Inabisuhan naman ang mga returning overseas Filipino na kabilang sa listahan na makipag-ugnayan sa PCG o OWWA personnel sa quarantine facility para sa pagproseso ng pag-uwi sa kani-kanilang probinsya.
Ibibigay naman ang quarantine clearances sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) o Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.
READ NEXT
Iba pang broadcast company na nag-ooperate ng may expired na prangkisa, pinaiimbestigahan sa Kamara
MOST READ
LATEST STORIES