Isa pang kaso ng COVID-19, naitala sa Baguio City

Nagpositibo sa COVID-19 ang isa pang residente sa Baguio City.

Ayon sa Baguio City Public Information Office, tinamaan ng nakakahawang sakit ang 29-anyos na babaeng community development worker mula sa Irisan.

Sumailalim ang pasyente sa swab test noong June 30.

Sinabi ng Baguio City PIO na asymptomatic naman ang pasyente.

Dahil dito, umabot na sa 47 ang mga kumpirmadong kaso ng pandemya sa Baguio City.

Read more...