Ilang lalawigan sa Southern Luzon makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan dulot ng thunderstorm ang ilang lalawigan sa Southern Luzon.

Sa inilabas na thuderstorm advisory ng PAGASA, alas 11:06 ng umaga ng Huwebes, July 2 ang Batangas, Quezon, Cavite at Laguna ay makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa susunod na dalawang oras.

Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.

 

 

Read more...