Pumalag si Presidential Spokesman Harry Roque sa banat ni TV host Luis Manzano na ang University of the Philippines (UP) at hindi pala ang COVID-19 ang kalaban ng Pilipinas.
Ayon kay Roque, mali ang intindi ni Manzano nang i-congratulate niya ang Pilipinas dahil hindi naabot ng bansa ang hula ng UP na papalo sa 40,000 ang kaso ng COVID-19 pagsapit sa katapusan ng Hunyo.
Ayon kay Roque, kaunting intindi sana ang ginawa ni Manzano.
Ayon kay Roque, ang COVID-19 ang totoong kalaban habang ang UP ay parang ring side commentator na nagsasabi na ang magiging score ay 40,000.
Una nang umani ng batikos si Roque nang i-congratulate ang Pilipinas dahil sa pumalo lamang sa 37,000 na kaso ang COVID-19 ang naitala sa katapusan ng Hunyo taliwas sa hula ng UP na 40,000.