Global death toll sa COVID-19 mahigit 518,000 na

Sumampa na sa mahigit 518,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa magdamag, ay nakapagtala ng nasa 5,000 pang panibagong nasawi.

Sa huling datos, ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo ay 518,921 na.

Pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 130,798.

Narito naman ang iba pang mga bansa na nakapagtala ng mataas na bilang ng nasawi:

Brazil – 60,713
UK – 43,906
Italy – 34,788
France – 29,861
Mexico – 28,510
Spain – 28,363
India – 17,848
Iran – 10,958

Sumampa naman na sa mahigit 5.9 million ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa 4.3 million pa ang aktibong kaso.

 

 

Read more...