Ospital ng Cabuyao pansamantalang isasara

Sasailaim sa lockdown ang Ospital ng Cabuyao para makapagsagawa ng decontamination.

Ito ay makaraaang marami sa mga tauhan ng ospital ang magkaroon ng ‘direct exposure’ sa COVID-19 positive patients.

Lahat ng nagkaroon ng exposure sa mga pasyente ng COVID-19 ay pinasailalim na sa quarantine sa loob ng 14 na araw.

Habang ang ospital ay sasailalim sa masusing decontamination at sanitation.

Muling maglalabas ng abiso ang ospital kung kailan ito magbabalik operasyon.

 

 

Read more...