24 patay sa mass shooting sa Mexico

Patay ang 24 na katao matapos ang pag-atake ng mga armadong lalaki sa central Mexican city na Irapuato.

Ayon sa ulat ng Mexican news network na Milenio maliban sa 24 na nasawi, may naitalang 7 pang sugatan.

Nangyari ang pamamaril sa isang rehab facility sa Guanajuato state.

Noon lamang June 6 umabot sa 10 ang nasawi nang mamaril din ang mga armadong lalaki sa rehabilitation center sa Irapuato.

 

 

Read more...