Sa ulat ng Task Force COVID-19 ng Zamboanga City, dahil sa 3 bagong kaso, umakyat na sa 220 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 42 pa ang aktibong kaso, 172 ang gumaling na at mayroong 6 na nasawi.
Ang mga bagong pasyente ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
– 26-anyos na babae na umuwi galing Riyadh. Mula Riyadh, dumating siya sa Metro Manila at bumiyahe patungong Cagayan de Oro City then (CDO) at umuwi ng Zamboanga City.
– 31-anyos na lalaki na galing California, USA. Bumiyahe mula Angeles to NAIA at CDO bago umuwi ng Zamboanga City.
– 29-anyos na lalaki na galing din ng Riyadh. Dumating sa NAIA, bumiyahe sa CDO at umuwi ng amboanga City.
Lahat sila ay dumating sa lungsod noong June 25 at Miyerkules (July 1) nang lumabas ang resulta ng kanilang swab test na sila ay positibo sa COVID-19.