Umabot na sa mahigit 15,000 na persons deprived of liberty (PDLs) ang nakalaya na sa mga bilangguan sa kasagsagan ng pandemic ng COVID-19.
Layon nitong ma-decongest ang mga jail facility ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 sa mga kulungan ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) on Thursday.
Sa pahayag sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na ang mga kwalipikadong PDLs ay napalaya mula March 17 hanggang June 22.
“Ang paglaya ng libo-libong PDLs ay patunay na hindi sila nakakaligtaan at hindi pinapabayaan. Patunay rin itong gumagana ang justice system sa bansa kahit pa man may pandemya,” ayon kay Año.
Sa 15,322 na nakalayang PDLs, 5,910 ay mula sa National Capital Region; 1,557 mula sa CALABARZON; 1,487 mula sa Central Visayas; 1,041 mula sa Central Luzon; 897 mula sa Zamboanga Peninsula; 762 mula sa Northern Mindanao; at ang iba pa ay mula sa ibang rehiyon.
Ang mga napalaya ay pawang may edad na at ang iba ay mayroong bailable offenses.