Hanggang alas kahapon Miyerkules, July 1 ay umabot na sa 16,876,175 ang total number of enrollees.
Sa naturang bilang 16,123,509 ang nag-enroll sa mga public schools at 735,881 naman ang nagpa-rehistro sa private schools.
Kasama sa mga nagpa-enroll ay ang mga sasailalim sa Alternative Learning System at non-graded learners with disabilities.
Base sa datos ng DepEd, 8,349,581 ang nagpa-enroll sa elementarya; 5,377,473 sa junior high school; 1,815,053 naman sa senior high school at 1,078,098 sa kindergarten.
Simula noong Hunyo 1, nagpatupad na ang kagawaran ng remote enrollment sa pamamagitan ng mga alternatibong pamamaraan, kung saan hindi na kinakailangan pang magtungo ang estudyante o magulang sa mga paaralan.
Pinalawig din ng DepEd ang enrollment hanggang sa July 15.