Ayon kay Ong, bagaman baguhan ang mga ito sa field, hindi naman dapat na maging iba ang trato sa kanila lalo’t magiging parte na sila ng medical frontliners na ia-alay ang kanilang buhay para maserbisyuhan ang mga kababayan.
Pakiusap ng kongresista sa DOH, huwag baratin ang mga ito na bibigyan lang ng P500 kada araw na sahod kundi ipareha sa natatanggap ng kanilang regular counterparts.
Iginiit nito na hindi dapat magtipid ang DOH pagdating sa kapakanan ng medical frontliners lalo’t hindi pangkaraniwanag panahon ngayon at kapos sa mga tao.
Dapat rin anyang siguruhin ng ahensya ang sapat na PPEs para sa mga bagong nurse, medical technologists at iba pang hospital supports personnel para hindi masira ang recruitment program ng gobyerno.