Ang nasabing sektor ay ang sektor ng sining at kultura, na nangangailangan ng mas matinding suporta mula sa pamahalaan.
Ayon kay Dennis N. Marasigan, isang direktor, aktor at manunulat sa teatro, telebisyon at pelikula, una sa listahan ng kailangan ng nasabing sektor ay ang komprehensibong baseline study tungkol sa creative industries sa bansa, pati na ang paghahanda at implementason ng Philippine Creative Industry plan.
Batay kasi sa World Intellectual Property Organization, ang creative industries ay bumubuo sa 7.34 percent ng gross domestic product (GDP) at 14.4 percent ng national employment noong 2014.
Pangalawa ay organizational at financial support na mas mabisa at rationalized.
Ayon pa kay Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit president Ogie Alcasid, kailangang bumuo ng susunod na pangulo ng mga programang magbibigay ng grants sa mga lokal na produksyon sa magagandang teatro, pelikula, pop music concerts at mga kahalintulad nito.
Pangatlong rekomendasyon sa susunod na pangulo ay ang pagtatayo ng karagdagang performing at visual art centers, pati na rin ng production houses para sa pelikula at animations.
Para kay Lisa Macuja-Elizalde, artistic director ng Ballet Manila, dapat ay magkaroon ng maayos na entablado o venue ang hindi bababa sa tatlong malalaking lungsod sa bansa.
Kailangan ring magkaroon ng sapat na suportang pinansyal para sa rehabilitasyon ng Manila Metropolitan Theater at sa master development plan ng CCP complex.
Pang-apat ay ang pagsusulong ng Philippine Cultural Education Plan kung saan mas palalawigin ang pag-aaral ng sining at kultura sa lahat ng antas ng edukasyon.
Kaakibat nito ay ang maayos at kaukulang training para sa mga magtuturo ng subjects na ito.
At ang pang-lima, ang tamang pag-kilala sa mga artists at cultural workers, tulad ng natatamasang pag-kilala ng mga Pilipinong nananalo sa beauty contests at sports.
Bukod sa pagpapalawig ng National Artist Awards at ng Gawad Manlilikha ng Bayan, dapat ring magkaroon ng batas na kikilala at susuporta sa mga artists at sa kanilang kapakanan dahil malaki rin ang naibibigay nilang karangalan sa ating bansa.
Naniniwala si Artists Welfare Project Inc. preisdent Fernando C. Josef na kung may sapat na suporta, marami pang magagawa ang mga Filipino artists para sa ating lipunan at bansa.