107 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Cebu City

Umabot na sa mahigit 5,500 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa Cebu City.

Kahapon nakapagtala pa ng 107 na dagdag na bagong kaso sa lungsod.

Dahil dito sumampa na sa 5,596 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Cebu City.

Sa nasabing bilang, 2,897 ang mga gumaling na. Ito ay makaraang makapagtala ng 174 na bagong recoveries.

Habang 2,519 pa ang aktibong kaso.

Nakapagtala naman ng 11 pang panibagong nasawi kaya umakyat na sa 180 ang bilang ng mga nasawi sa lungsod.

 

 

 

Read more...