Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 188.45 meters alas-6:00 umaga ng Huwebes (July 2) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 188.58 meters.
Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.96 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 101.02 habang bahagya namang nadagdagan ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 76.03 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 76.00 meters.
Samantala, nabawasan naman ang water level ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Binga dam.
READ NEXT
Mga tauhan sa MRT-3 depot na nagpositibo sa COVID-19 umakyat na sa 92; bibiyaheng mga tren posibleng bawasan simula sa Lunes
MOST READ
LATEST STORIES