DFA inabisuhan ang publiko laban sa pekeng social media accounts

Pinag-iingat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang publiko sa peke at duplicate na social media accounts ng ahensya.

Sa abiso ng DFA, ang ahensya ay mayroon lamang isang official website at tatlong opisyal na social media accounts.

Kamakailan ay nadisukbre ang pagkakaroon ng unauthorized FB account na gumagamit sa pangalan ng DFA.

Paalala ng ahensya sa publiko mag-access lamang ng serbisyo at impormasyon sa sumusunod na DFA channels:

DFA website: https://dfa.gov.ph/
FB account: https://www.facebook.com/dfaphl
Twitter account: https://twitter.com/dfaphl
IG account: https://instagram.com/dfaphl

 

 

Read more...