Mas marami pang establisyimento sa Antipolo ipinasara dahil sa hindi pagpapatupad ng health protocols

Dahil sa kabiguang magpairal ng minimum health standards mas maraming establisyimento pa sa Antipolo City ang ipinasara ng lokal na pamahalaan.

Kabilang sa naipasara ay tindahan ng bigas, sari-sari store, vulcanizing shop, junk shop at maraming iba pa.

Ang mga establisyimento ay naaktuhang lumalabag ng mga nag-ikot na tauhan ng Business Permit and Licensing Office ng City Hall.

Karaniwang paglabag ay hindi pagsusuot ng face masks ng mga nagtitinda.

Katulad ng mga naunang naipasara, kailangan maipakita muna ng mga may-ari ng mga establisyimento ang kanilang mga plano kung paano sila makakatupad sa mga precautionary measures para makaiwas sa COVID-19.

 

 

 

Read more...