Lockdown sa ilang bahagi ng Purok 5 at 6 sa Brgy. Lower Bicutan, Taguig epektibo na

Simula ngayong araw July 2 ay nakasailalim na sa lockdown ang ilang bahagi ng Brgy. Lower Bicutan sa Taguig City.

Ayon sa abiso ng Taguig City LGU ang modified localized quarantine (MLQ) ay tatagal hanggang sa July 15.

Sakop ng lockdown ang mga sumusunod na lugar:

– Dalampasigan Area sa Purok 5
– Purok 6-A
– I. Reyes Street
– Purok 6-B
– K-9 Area
– Purok 6-D
– Mauling Creek Area sa Purok 6

Ang buong Purok 5 at 6 ng naturang barangay ay nauna nang isinailalim sa localized lockdown.

Pero nagpasya ang lokal na pamahalaan na bawiin na ang lockdown sa buong Purok 5 at 6 at panatilihin lang ang localized lockdown sa ilang mga kalye nito.

 

 

Read more...