Nagtungo ang bise presidente sa burol nina Major Marvin Indammog, Captain Irwin Managuelod, at Sergeant Jaime Velasco.
Ang isa pang sundalong nasawi sa insidente na si Corporal Abdal Asula ay nauna nang inilibing.
Sinabi ni Robredo na nakalungkot madinig ang kwento ng kanilang mga naulilang pamilya.
Nagpasalamat naman si Robredo kay Philippine Army commanding general, Lt. Gen. Gilbert Gapay sa pagtitiyak ng hustisya para sa apat na sundalo.
MOST READ
LATEST STORIES