Batay sa anunsiyo, sinabi ng CAB na ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang personnel sa RT-PCR test.
Ipatutupad anila ang lockdown para maprotektahan ang kalusugan ng CAB personnel at stakeholders.
Magsisimula ang lockdown sa Huwebes, July 2, hanggang July 6.
Sa kasagsagan ng lockdown, magsasagawa na rin ng disinfection sa buong gusali ng CAB.
Sasalang din ang lahat ng CAB personnel sa RT-PCR test.
Sinabi pa ng CAB na lahat ng transaksyon ay gagawin online sa kasagsagan ng lockdown.
MOST READ
LATEST STORIES