Ito ay matapos ang nangyaring shooting incident sa Jolo, Sulu kung saan dalawang sundalo at dalawang enlisted personnel.
“Our relationship is founded on a long shared history of cooperation and brotherhood. In fact, we are inter-operable in the field because we share the same roots and are fighting a common enemy,” pahayag ni Gamboa.
Umapela naman ang PNP chief na maging kalmado sa gitna ng mga lumalabas na ispekulasyon at misrepresentation sa insidente.
Dagdag pa nito, “while the incident is most unfortunate, it should not undermine operational policies and established cooperation guidelines that we have relied on and trusted for years.”
Kampante aniya siya sa isinasagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa insidente.
Siniguro rin nitong susuporta at susunod ang PNP anuman ang maging resulta ng imbestigasyon at rekomendasyon ng NBI.
“I have complete faith in the competence and professionalism of NBI to establish the facts and answer all questions that will uncover the truth behind this tragedy. Let the axe fall where it may for the sake of truth and justice,” ayon pa kay Gamboa.