Pagdepensa ni Pang. Duterte sa biniling fertilizer supply ng DA pinalagan ng grupong SINAG

Pumalag ang grupo ng mga agriculture stakeholder sa pagdepensa ni Pangulong Rodrigo Duterte na aboveboard ang naganap na bidding sa supply contract sa Urea fertilizer.

Iginiit ni Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG, hindi magsisinungaling ang mga resibo na hawak mismo ng mga magsasaka mula Central Luzon na siyang magpapatunay na mababa sa sinasabing P1,000 ang presyo ng kada bag ng Urea fertilizer.

Umapela si So sa pangulo na suriin muli ang isyu at makinig naman sa mga farmer-beneficiaries na siyang nagrereklamo sa overpriced 1.8 billion pesos na supply contract.

Binigyan diin ni So na hindi sana agad-agad pinaniwalaan ng pangulo ang paliwanag ng Agriculture Department dahil ang mga magsasaka na mismo ang nagsassbi na ang P1,000 na reference bid price kada bag ng urea fertilizer ay masyadong mataas at grossly disadvantageous sa pamahalaan.

Una nang inihayag ni Pangulong Dutete na aboveboard at transparent ang naganap na bidding at walang iregularidad sa pagbili ng mga abono.

 

 

 

Read more...