Mga residente sa low-risk MGCQ areas, dapat pa ring manatili sa bahay – DOH

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na kailangan pa ring manatili sa bahay ng mga residente na nakatira sa mga lugar na isinailalim sa low-risk modified general community quarantine (MGCQ).

Sa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na huwag pa ring lumabas kung wala namang kailangang gagawin sa labas ng bahay.

Kahit nasa low-risk MGCQ na, iginiit ni Vergeire na nakasailalim pa rin ang lahat sa community quarantine.

Dagdag pa nito, dapat pa ring panatilihin ang pagsusuot ng face mask kung lalabas, pagsunod sa social distancing at madalas na paghuhugas ng kamay.

Inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na iiral ang low-risk MGCQ sa ilang lugar sa bansa simula July 1 hanggang 15.

Nanatili namang nakataas sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Cebu habang ang Metro Manila at iba pang lugar ay nasa GCQ.

Read more...