COVID-19 cases sa Mandaluyong City, nasa 980 na

Pumalo na sa 980 ang bilang ng nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:00, Miyerkules ng hapon (July 1), 18 ang bagong napaulat na kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa 980, 215 ang aktibong kaso.

151 ang itinuturing na probable cases habang 746 ang suspected cases kung saan 3,732 ang cleared na.

Nadagdagan naman ng 13 ang mga bagong gumaling.

Dahil dito, 699 na ang total recoveries ng COVID-19 sa nasabing lungsod.

Nasa 66 na residente ng Mandaluyong pa rin ang pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

Read more...