Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Miyerkules (July 1, 3:00 PM) nakapagtala ng 161 na bagong kaso kaya pumalo na sa 2,687 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 643
Laguna – 866
Batangas – 322
Rizal – 695
Quezon – 161
Nasa 1,402 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 85 na bagong recoveries.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 255
Laguna – 459
Batangas – 198
Rizal – 362
Quezon – 128
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng walo kaya ito ay umabot na sa 203.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 45
Laguna – 43
Batangas – 30
Rizal – 74
Quezon – 11
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay