Pagpapauwi sa OFWs na may ticket at kumpletong dokumento, ipinamamadali

Congress photo

Ipinamamadali ni Assistant Majority Leader at Quezon City Rep. Precious Castelo sa Inter-Agency Task Force ang pagpapauwi sa mga overseas Filipino worker (OFW) na may ticket, permit at exit visa mula sa mga employer at sa host country.

Ayon kay Castelo, dapat madaliin ng IATF ang repatriation ng libu-libong OFWs dahil sila na ang bumili ng kanilang commercial flight tickets at wala nang gagastusin ang gobyerno para mapauwi ang mga ito.

Simula aniya ng Coronavirus Disease outbreak ay stranded na ang mga OFW at desperadong makauwi na sa mga pamilya sa Pilipinas.

Umaasa ang mambabatas na mas maraming OFW na ang makakabalik sa bansa matapos na ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa IATF at sa mga kaukulang ahensya na pabilisin at dagdagan ang bilang ng mga pauuwiing OFW.

Tinataya aniyang aabot sa 16,000 na mga stranded OFW sa Saudi Arabia, United Arab Emirates at Qatar ang nakahanda nang umuwi sa bansa.

Read more...