Sa abiso ng San Juan City government, ginagamot na ang pasyente sa ospital.
Naka-isolate naman at isinailalim sa swab test ang lahat ng nakasalamuha ng vendor.
Dahil dito, sinabi ng San Juan City government na pansamantalang isasara ang Agora Market habang hinihintay ang resulta ng swab test sa mga kawani, manggagawa at vendors sa pamilihan.
Hindi muna anila papayagang makapagtinda hangga’t hindi pa lumalabas ang resulta ng pagsusuri.
Kapag binuksan na muli ang pamilihan, ang tanging papayagan lamang na makabalik ay ang mga mayroong negative na resulta.
Isasailalim naman sa isolation at ipapagamot ang sinumang lumabas na positibo sa pandemya.
Ayon pa sa San Juan City government, makakabalik lamang ang mga nagpositibo kapag nakakuha sila ng clearance mula sa City Health Office na “fit to work” na sila muli.
Ipinaliwanag pa ng pamahalaang lungsod ng San Juan na layon lamang ng pagsasara na matiyak ang kaligtasan ng lahat.