215 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Singapore

Mahigit 200 muli ang panibagong naitalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Singapore.

Batay sa anunsiyo, sinabi ng Ministry of Health sa Singapore na nakapagtala ng karagdagang 215 na kaso hanggang 12:00, Miyerkules ng tanghali (July 1).

Karamihan anila sa mga bagong kaso ay Work Permit holders na nakatira sa foreign worker dormitories.

“Based on our investigations so far, there are 10 cases in the community, of whom six are Singaporeans and four are Work Pass Holders,” ayon pa sa Ministry of Health ng naturang bansa.

Maliban dito, mayroon ding apat na imported cases kung saan lahat ay inilagay sa Stay-Home Notice o isolation pagkadating sa Singapore.

Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.

Sa kabuuan, pumalo na sa 44,122 ang confirmed COVID-19 cases sa Singapore.

Read more...