Nadagdagan pa nang halos 1,000 ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Miyerkules ng hapon (July 1), umabot na sa 38,511 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sinabi ng kagawaran na 999 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 kung saan 595 ang “fresh cases” habang 404 ang “late cases.”
Nasa apat pasyente ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,270 na.
Ayon pa sa DOH, 205 ang gumaling pa sa pandemiya sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 10,438 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES